April 28, 2024

TRES NI JOEL EMBIID, BUMIDA SA PAGKATAY NG PHILADELPHIA SA TORONTO

Naibuslo ni Joel Embiid ang pamatay na tres upang itakas ang Philadelphia 76ers sa isang intense game. Dahil dun, nakatay ng 76ers ang Toronto Raptors, 104-101 sa Game 3 ng NBA playoffs East Round 1.


Nagtala ang big man na si Embiid ng double-double sa kanyang monster performance. Lumagare siya ng 33 points, 13 boards at 2 assists. Nag-ambag naman si James Harden at Tyrese Maxey ng tig-19 points.


Sa panig naman ng Raptors, nanguna sa opensa nito si Og. Anunoby sa pagpikol ng 26 points. Kumana naman si Gary Trent Jr ng 24 points at 2 rebounds.


Kapwa di nagpaiwan ang dalawang teams sa umpisa hanggang sa 4th quarter. Tabla sila sa 101-101 all, may 26 second na lang ang nalalabi. Sumablay ang tira ni Anunoby sa free throw na aalpas sana sa 102-101 lead pabor sa Raptors.


Sa huling segundo, ipinasa ni Danny Green kay Embiid mula sa inbound. May 2.6 seconds na lang ang natitira at naisalpak iyon ni Embiid. Ang nasabing tres ni Embiid ay tila ‘sweet revenge’ mula sa karanasan niya sa Raptors, 3 taon na ang nakaraan sa playoffs.


Nabawian niya ang Raptors mula sa pagsilat sa kanila sa Game 7 nun. Kung saan, naisalpak ni Kawhi Leonard ang tres nang bantayan niya ito. Ngayon, siya naman ang gumaw anito upang tubusin ang sarili sa kahihiyang iyon. Kaya naman, lamang na sa 3-0 series ang 76ers.