Photo from PNA
KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong Martes, Agosto 26, na sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III.
Ayon kay Bersamin, nakasaad sa kautusan ng Pangulo na may petsang Agosto 25 ang agarang pagtanggal kay Torre sa puwesto.

Matatandaang si Torre ay itinalaga ni Marcos noong Mayo at tumagal lamang ng halos tatlong buwan bilang pinuno ng PNP.
Sa kanyang panunungkulan, siya ang nag-utos ng mga kontrobersyal na operasyon kabilang ang pagkakaaresto ni dating pangulong Rodrigo Duterte noong Marso at ng umano’y drug at human trafficking suspect na si Apollo Quiboloy noong Setyembre 2024.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang Malacañang hinggil sa magiging kapalit ni Torre.
Pero ayon sa mapagkakatiwalaang source sa Palasyo, si P/Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr ang ipapalit kay Torre.
