Muling umani ng matinding atensyon online si actor-model Tony Labrusca matapos mag-post ng isang bold workout-style video kasama si Psy Tolentino, ang dating kasintahan ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
Sa Instagram reel na ibinahagi noong Sabado, Nobyembre 22, makikitang nagfe-flex ng kanilang toned physiques sina Tony at Psy, isang eksenang agad nagpasabog ng kilig, hiyawan, at komento mula sa netizens.
Nilinaw agad ni Tony ang espekulasyon sa caption:
“No, we’re not dating. Yes, we look alike. Enjoy.”
Pero kahit sa malinaw na pahayag, hindi napigil ang social media sa pag-uusisa. Marami ang nag-komento ng biro, tukso, at papuri, habang ang iba naman ay humirit ng “chemistry” at “visuals” ng dalawa.
Inulan din ng papuri ang kanilang fit physiques, na tinawag pa ng ilang netizens na “dangerously hot combo.”
Umabot na sa mahigit 75,000 likes at 1.7 million views ang naturang video habang sinusulat ang ulat na ito—patunay na ang Tony–Psy tandem ang isa sa mga hindi inaasahang online pairings na hindi hiningi ng publiko, pero mukhang lubos nilang tinatangkilik.
