NAGLABAS ng kanyang pahayag si Navotas City Representative Toby Tiangco kaugnay sa resignation ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang miyembro ng House of Representatives.
“Let me be clear: Congressman Zaldy Co’s resignation is not enough. Resignation is not accountability. What the Filipino people deserve is for him to face the music—umuwi siya dito sa Pilipinas, para sagutin ang lahat ng paratang sa kanya,” sabi ni Rep. Tiangco.
Giit ni Tiangco, hindi ito natatapos sa simpleng resignation at statement lang. Mas lalong hindi tama na siya pa ang magdidikta kung kailan siya uuwi sa ating bansa.
“The ICI already filed a case against him kaya kailangan niyang umuwi at harapin ang mga paratang sa kanya kasama na ‘yong alegasyon na humihingi siya ng 20 to 25% kapalit ng project,” aniya.
“By resigning and hiding abroad instead of answering the allegations, he is not just insulting our institutions, he is insulting the Filipino people. At kung hindi niya haharapin ang mga alegasyon, this can be interpreted as a tacit admission of guilt,” dagdag niya. (JUVY LUCERO)
