May 9, 2024

Three-year deal sa Phoenix Fuel Masters, inilatag kay Calvin Abueva

Panibagong three-year deal sa Phoenix Fuel Masters ang inilatag kay Calvin Abueva. Katunayan, kinumpirma ito ni team manager Paolo Bugia sa ESPN5.com.

3 years agreed in principle set to sign (today),” ani Bugia. Hindi naman nito dinetalye ang kaugnay sa deal.

Malaki ang naging papel ni Abueva sa Fuel Masters sa PBA Philippine Cup semifinals. Kung saan, nakaharap nito ang TNT Tropang Giga.

Ito ang ikalawang beses na makarating sa semis sapol nang bilhin ang Barako Bull franchise noong 2016.

Mula sa 16th- month ban, naging forefront ng Phoenix si ‘The Beast’. Naging second sa statistical race. Pangalaw kay Bobby Ray Parks na may 37.1 SPs.

May average siyang 15.4 points, 11.3 rebounds, 5.2 assists, at 1.7 steals per game.