May 16, 2024

THIRDY RAVENA, BUMIDA SA PANALO NG NEOPHOENIX SA KOSHIGAYA

Bumida si Thirdy Ravena para sa San-En NeoPhoenix sa pagtusta nito sa Koshigaya, 84-74 sa 9th Emperor’s Cup. Lumagare ang ex-Blue Eagles stalwalt ng 12 points sa opening quarter. Gayundin ng 3 boards, 4 assists at 1 steal sa loob ng 26 minutes game.


Kaya naman, naiwanan ng NeoPhoenix ang Alphas sa iskor na 31-24. Lalo pang lumamang ang una sa iskot na 55-39. Mula rito ay di na sila bumitaw kahit nakakahabol pa ang Alphas.


Bumuslo naman si Justin Knox ng 21 points sa San-En. Kasama na rito ang 6 boards at 2 assists. Habang si Yusei Sigiura naman ay nag-ambag ng 11 points.