May 18, 2024

TAKBO NG TREN SA MRT-3, BUMILIS NG 50 KPH

Iniakyat ng pamunuan ng Metro Rail Transit – Line 3 (MRT 3) ang bilis ng kanilang mga tren sa 50 kilometers per hour nitong umaga.

Kaya naman apat hanggang limang minuto na lamang yung headway sa pagitan ng mga tren.

Mas mabilis ito kumpara sa 6.5 minutes headway na naitala noong Oktubre.

Ayon kay MRT 3 Operations Director Michael Capati, kinukonsidera nilang bilisan pa ang headway ng kanilang mga tren.

Malugod naman ang pagtanggap ng mga pasahero sa development na ito. Mas mabilis kasi aniya ang kanilang biyahe sa ngayon.