May 17, 2024

Nang-agaw ng baril… RAPIST PATAY HABANG KINUKUHANAN NG MUGSHOT

NASAWI ang suspek sa panghahalay sa isang anim na taong gulang na batang babae matapos umanong mag-agaw ng baril habang isinasalilalim sa booking procedure sa General Santos City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Merston Mocomondis, 40-anyos, karpintero, ng Zone 8 ng Barangay Bula sa nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, nasa loob ng investigation section ng Bula Police Station ang suspek at kikukuhanan ng mugshot nang biglang agawin ang 9mm pistol ni S/Sgt. Aiza Frias at pinaputukan ang mga pulis.

Dahil dito, gumanti ang kapulisan kaya nasugatan si Mocomondis na agad isinugod sa ospital subalit binawian ng buhay.

Nabatid na unang nagreklamo ang ama ng bata na apat na beses nang hinalay ng suspek ang biktima.