April 27, 2024

Swab Cab ng OVP Dumating sa Naga


DINALA ng Office of the Vice President (OVP) ang kanilang mobile antigen testing project na Swab Cab sa Naga City sa Camarines Sur noong Biyernes matapos umapela ang mga doktor at healthcare professionals para sa tulong sa gitna ng pagtaas ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19) infections.

“With this, we hope to test more people and do immediate contact tracing and isolation,” post ni Vice President Maria Leonor “Leni Robredo sa Facebook.

Ito’y mtapos ilunsad ng OVP ang Bayanihan e-Ataman, isang extension ng kanilang programang Bayanihan e-Konsulta, upang saklawin ang buong lalawigan ng Camarines Sur.

Ang Bayanihan e-Konsulta ay isang online teleconsultation platform para sa COVID-19 at non-COVID-19 patients. Bilang bahagi ng serbisyo, nagbibigay ang OVP  ng COVID care kits para sa mga naka-home quarantine.

Sa kanyang home province, dalawang beses sa isang araw minomonitor ng mga volunteer ng tanggapan ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordad ang mga pasyente, ayon kay Robredo.

Dagdag pa ng vice president  na nakikipagpulong siya sa mga doktor at volunteers mula sa civil society paminsan-minsan upang humanap ng paraan para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng nakamamatay na virus.