May 10, 2024

2 Kulong sa P2.8M Shabu sa Navotas

NAVOTAS CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang mahigit sa P2.8 milyon halaga ng shabu sa dalawang hinihinalang drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong mga suspek na sina Emma David, 48, at Mercy Sedon, 46.



Dakong alas-8:40 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Babanse St., Brgy. NBBS Kaunlaran.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P34,000 halaga ng shabu ang isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ng droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 420 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P2,856,000.00, buy bust money na 4 pirasong tunay P1,000 bills at 30 pirasong P1,000 boodle money at isang cellphone.