May 7, 2024

‘SIPONS’ TANDEM, PINADAPA NG INDONESIA SA BEACH VOLLEYBALL EVENT

Nalasap ng ‘SiPons’ tandem ang unang pagkatalo sa women’s beach volleyball event. Tinalo sila ng pambato ng Indonesia na sina Dhita Juliana at Putu Utami, 15-21, 19-21. Ang laro ay idinaos sa Tuan Chau beach sa Vietnam SEA Games.

Ang ‘Sipon’ tandem ay sina Sis Rondina at Bernadette Pons. Si Rondina ay produkto ng UST Golden Tigresses. Samantalang si Pons ay mula sa FEU Lady Tamaraws. Mayroon nang 2-1 record ang tandem ng dalawa.

Iba naman ang nangyari sa ‘JovDij’ tandem nina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez. Pinayuko ng dalawa sina Nur Atika at Martha Rahawarin, 21-13, 21-19.

Samantala, bigo rin ang women’s volleyball team sa Indonesian volleybelles. Tinalo ng Indons ang tropa nina Alyssa Valdez at Jaja Santiago sa four sets.