May 18, 2024

RUBILEN AMIT, SUMARGO NG GOLD MEDAL SA WOMEN’S 9- BALL EVENT

Sumargo si Rubilen Amit ng gold medal sa women’s 9-ball event sa 31st SEA Games. Ito’y matapos niyang dispatsahin si Jessica Tan ng Singapore, 7-2. Agad na rumatsada sa 3-0 lead ang former Filipino world champion.

Dahil dito,tumawag ng time-out ang Singaporean. Matapos nito, inalat ang 40-anyos na si Amit. Kung saan , sumargo ng 2 sunod na racks, 3-2 si Tan. Gayunman, nakaungos ang Pinay at sumalya ng 4 straight racks.

Dahil dito, nasungkit niya ang third 9-ball title sa SEA Games at ninth overall. Kabilang na ang 8-ball at 10 ball. Samantala, nakatitiyak na ng gold sa men’s 9 ball ang iba Pinoy cue masters. Ito’y matapos pumalaot sa finals sina Carlo Biado at Johann Chua.

Nakakopo naman ni Jefrey Roda ang silver medal sa men’s snooker 6-red singles. Dumapa si Roda kay Lim Kok Leong ng Malaysia sa finals, 5-3.