May 19, 2024

PH ATHLETICS, KUMAMIG NG SILVER AT BRONZE MEDALS

Nakakamig ang PH athletics ng silver at bronze medals sa Vietnam SEA Games. Inambag ni Sarah Dequinan ang silver sa women’s heptathlon. Kung saan, nagtapos siya bilang runner-up.

Samantalang kumamig ng silver si Harry Diones sa men’s triple jump. Nagwagi noon ng gold si Dequinan sa 2019 SEA Games. Hindi na nito nagawang idepensa ng titulo ngayon. Kinapos siya sa pagtala ng 5,381 points. May mataas sa kanyang previous record na 5,101 points. Gahibla lamang ang agwat sa naitala ng Vietnam na 5,415 points.

Si Diones naman ay nagtala ng 15.87 meters sa men’s triple jump. Dinomina ni Andre Anura ng Malaysia ang event sa paglundag ng 16.51 meters.

Inambag naman ni Robyn Brown ang bronze medal sa women’s 400 hurdles. Naglista si Brown ng 56.44 seconds. Kapos lang ng kaunti sa gold medalist winner na si Lan Quach Thi (56.33).