May 16, 2024

SINO-SINO NGA BA MGA VOLLEYBALL PLAYERS ANG CRUSH NG MGA BOYS?

Sa nakalipas na 12 taon, sadyang pumelo ang women’s volleyball sa bansa. Mapa-collegiate league man o semi-amateur.

Dumami ang bilang ng followers ng mga female volleybelles. Dahilan upang tangkilikin na ang laro. Nakilala ang ilang volleyball personalities.

Na ang iba sa kanila ay nagkaroon ng stint sa telebisyon, commercial at iba pang larangan. Sa ngayon, hindi lang mga kababaihan ang nanonood ng laro. Kundi, maging ng mga barako.

Gusto kasi nilang makita ang favorite at hinahangan nilang players.

Ang tanong, sinu-sino nga bang volleyball players ang favorite ng mga boys? ‘O nagagandahan talaga sila? Bukod sa mahusay at magaling na, ideal GF pa.

Batay sa isinagawang survey ng Agila ng Bayan, tumugon dito ang 35 mula sa 50 tinanong na mga boys. Na ang edad ay mula 18 hanggang 45 anyos.

Nagagandahan at naku-kyutan ang mga boys kina Maddie Madayag, Eya Laure, Celine Domingo at Ivy Lacsina.

Type ko kasi mga tsinita. Kaya, crush ko si Maddie. Siya ang pinapanood ko sa UAAP kapag may laro ang Lady Eagles,” sabi ni Ron, 22-anyos.

Malakas ang dating sa akin ng mga girls na may dimples. Kaya, gusto ko sina Eya ng UST saka si Celine ng FEU,” wika naman ni Gil, 24.

Iba naman ang arrive nina Mika Reyes, Ma Joy Baron, Rachelle Anne Daquis, Carly Hernandez at Ponggay Gaston.

Sumabit din sa listahan sina Aby Maraño, Jaja Santiago at Kat Tolentino. Pasok din sina Michele Gumabao, Alyssa Valdez, Angelique Dionela at Jovelyn Gonzaga.

Si Jaja kasi, cute siya. Lakas ng dating sa akin. Si Alyssa, ganun din. Kahit di magandang-maganda ‘e ang lakas ng appeal,” sambit naman ni Niko, 19.