May 19, 2024

‘SHOOT TO KILL” ORDER SA MGA TRESPASSERS SA AREA 51

Sa timugang bahagi ng disyerto ng Nevada, ang Area 51 ay isang malaking base militar na sinasabing may lihim at hiwaga,

Hindi basta-bastamakakapasok dito. Ligal na ipinatutupad dito ang “shoot to kill order” sa sinumang magtatangkang pumasok ng walang pahintulot ng mga awtoridad. Ganito na lamang kahigpit ang gobyerno ng Amerika sa pagpapatupad ng seguridad ng Area 51.

Sinasabing ang pangunahing kaukulan ng Area 51 ay para sa mga eksperimento at lumikha ng mga makabagong pandigmang panghimpapawid at iba pang makabagong armas.

Subalit, dahil sa ganito na lamang kahigpit ang seguridad sa Area 51 sa publiko, may mga nagsasabing dito umano ay may mga alien na naninirahan na tinatago ng pamahalaan, na katuwang nila sa pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya.

Dito rin aniya  nilikha ang Stealth Fighter Jet at Lazer Guided Missles na tanging Amerika lamang ang mayroon at nananatiling lihim ang teknolihiya nito o papaano ito napagagana.

Ang ilan rin sa mga residente na malapit sa paligid ng Area 51 ay nagsasabing madalas daw sila makakita nga mga di pangkaraniwang ilaw o liwanag sa ibabaw ng lupa; na tila paikot-ikot at sumasayaw pa.Hanggang sa ngayon ay tikom ang bibig ng gobyerno ng Amerika sa mga bagay na ito.