May 19, 2024

GUSTONG MAGING ATTRACTIVE

Una sa lahat, I wish to greet you a pleasant day, Kuya Bogart. Maraming-maraming salamat sa pagpapaunlak mo sa e-mail ko.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag-email sa iyo. Pero, matagal na akong nagbabasa ng kolum ninyo. 21-anyos  na po ako, kuya at graduating sa kursong elementary education. Sa gulang kong ito ay minsan lang ako nagka-boyfriend.

Pero, hindi nagtagal. Hindi ko alam ang nangyari basta naglaho na lang siya na parang bula.Simple lang ako at hindi palaayos. Sabi ng mga friends ko ay hindi ako pangit bagama’t medyo­ payat. Kulang lang daw ako sa ayos.

Pero kahit anong ayos ang gawin ko ay talagang hindi ako nililigawan. May nakapagsabi sa akin na mukha daw akong suplada.Ano kaya ang gagawin ko, ate para maging attractive? Thanks at more power sa iyong kolum. Jana, 18 ng Caloocan City. CP#093390105++

Kuya Bogart

Hindi kita personal na kakilala at hindi pa kita nakikita pero maaari nga na ang problema ay nasa personalidad mo.May mga babaeng hindi naman maganda pero marami ang nanliligaw dahil may pleasing personality.

Makatutulong diyan ang mga kaibigan mo. Hingin mo ang kanilang honest opinion tungkol sa impresyon nila sa iyong ugali.At kung may kapintasan ka man, doon mo simulan ang pagbabago.