December 7, 2024

SEN. ROBIN, PORMAL NANG NANUMPA BILANG PANGULO NG PDP

📷: OFFICE OF SEN. ROBIN PADILLA

Pormal nang nanumpa si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP), ayon sa partido nitong Miyerkules.

Matapos maging executive vice president at acting president ng PDP, papalitan ng Padilla si Palawan Second District Rep. Jose Chaves Alvarez, na bumitiw sa pwesto kamakailan.

“As the new PDP president, Sen. Padilla will continue to consolidate the party membership and prepare for the 2025 mid-term elections which Rep Alvarez started,” ayon sa partido.

“We are confident that under Sen Padilla’s leadership, the party is in good hands and will continue to be a major force for reform and development in the country,” dagdag nito.

Pinasalamatan ng PDP si Alvarez sa kanyang pamumuno sa nakaraang 20 buwan. Ayon sa partido, pinalakas niya ang partido para matutukan nito ang pagsulong ng reporma sa bayan, “so that every Filipino will have an equal opportunity to attain his greatest potential.”

Sa Senado, isinusulong ni Padilla ang reporma sa Saligang Batas, katahimikan at kapayapaan at pagsugpo sa iligal na droga, at paggiit sa soberanya ng bansa, at ang karapatan ng Muslim Filipinos.