May 12, 2024

SEN. BONG REVILLA, ‘DI PA RIN NAKAKA-MOVE ON SA PAGPANAW NG AMA

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa naka-move on si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na amang si Senator Ramon Revilla Sr. Ganito rin ang nararanasan ng lahat ng angkan ng Revilla ngayon.

“Sa pagpanaw ni Daddy Ramon, ang sakit talaga. Parang may isang malaking bagay na nawala sa amin at sa akin, parang laking kulang talaga ang pagkawala niya. Halos araw-araw sa naaalala ko siya, miss na miss kona talaga siya. Kapag pinanonood ko mga iyong mga video namin na kasama siya, masayang naiiyak at may halong lungkot. Kasi hindi na namin siya makakasama, Masaya dahil kahit kaylan ay hindi siya nagkulang nang pagmamahal sa aming lahat,” malungkot na tsika ng Senador.

“Nuong buhay pa siya, pinangako namin sa aming mga sarili na babantayan at aalagaan siya. Kaya naman lahat ng gusto niya ay aking ibinibigay, gusto ko kasi siyang nakikitang malakas at lumalaban sa kanyang karamdaman. Masaya kaming lahat, dahil hanggang sa huling buhay niya ay talagang minahal niya kaming lahat. Kaya nga nang lumisan na siya ay, may malaking kulang talaga sa aming magkakapatid,” dagdag pa ni Senator Bong.