May 16, 2024

Dahil bumagsak ang popularity… P3-MILYON TALENT FEE NI VICE GANDA, TINANGGIHAN NG TV5

TALAGANG mapagsamantala raw ang kampo ni Vice Ganda dahil nagdemand ito ng napakataas na talent fee para sa kanyang serbisyo para sa show niyang gagawin sa TV5. Halos hindi raw masikmura na maglalabas sila ng P3 milyon, gayung bagsak ang showbiz industry sa ngayon.

“Ang feeling kasi ni Vice Ganda, ganuon pa siya kasikat. Kaya kung maka-demand ng kanyang ‘TF’ ay sobra-sobrang taas. Talagang hindi kakagatin ng TV5, dahil magkano lang ba ang TF niya sa ABS-CBN? Kung hindi kami nagkakamali ay naglalaro lamang siya sa P500.000 sa ABS-CBN, tapos ang Kapatid Network ay sobra-sobrang taga ang ginagawa niya,” tsika ng aking source.

“Masyadong naapektuhan ang career ni Vice Ganda, dahil negative ang dating niya ngayon sa madlang pipol. Marami na rin ang ayaw kay Vice, dahil sa mga panlalait na ginagawa nito sa kanyang kapwa artista. Tagilid din siya dahil nagsara na nga ang kanyang Mother TV Network, kaya sana raw hindi niya tinaga ang TV5,” pagtatapos pa ng aking source.