Nakatuon sa pagpapalakas ng kalusugan ng mga manggagawang pilipino ang bagong partnership ng Sanofi Philippines at PhilCare, na layuning isulong ang mas proactive na healthcare, partikular ang pagbabakuna laban sa mga sakit tulad ng trangkaso.
Ayon sa Sanofi, mahalaga ang immunization para mapanatiling malusog at produktibo ang mga empleyado lalo’t may malaking bahagi ng labor force na maaaring maapektuhan ng mga preventable diseases na nagdudulot ng absentismo at dagdag gastusin.
Pokus din ng programa ang pagpapalawak ng kaalaman at access sa adult vaccination dahil marami pa rin ang hindi nababakunahan dahil sa kakulangan sa impormasyon at gastos.
Giit ng PhilCare, isinasama na nila ang vaccination sa health benefits bilang bahagi ng preventive healthcare.
Layunin ng kolaborasyon na maiwasan ang sakit at mapalakas ang workforce sa bansa. (AR BERNARDO)
