Nagsimula na ngayong araw April 14,ang pamamahagi ng P25,000 na tulong-pinansyal para sa mga lokal na panaderya sa Lungsod ng Maynila.
Nagkaroon ng pagpupulong noong nakaraang linggo si Manila Mayor Isko Moreno kasama ang mga may-ari ng panaderya sa lungsod.
Dito ay napagkasunduan ang pagbibigay ng economic assistance sa bawat panaderya.
Kapalit ng naturang tulong, inaasahang mapapanatili ang abot-kayang presyo ng mga pangunahing tinapay tulad ng pandesal, pan de limon, Spanish bread at putok.
Layunin ng programa na suportahan ang mga lokal na panaderya at tiyaking nananatiling abot-kaya ang presyo ng tinapay para sa mga Manileño. (AR BERNARDO)
