Binigyan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng fuel cards ang mga jeepney driver na lumahok sa programang Libreng Sakay.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, ang mga Petron Fleet Cards ay mula sa isang hindi nagpakilalang donor at may kabuuang halagang umaabot sa apat na milyon siyamnaraang libong piso.
Sinabi ng alkalde na bawat drayber ay makatatanggap ng apat na fleet card na nagkakahalaga ng tig-iisang libong piso o kabuuang apat na libong piso bawat isa.
Inatasan din ni Domagoso si MTPB Director Dennis Viaje na tiyakin ang maayos na distribusyon ng mga nasabing card bilang pasasalamat sa mga drayber na tumulong sa Libreng Sakay program ng lungsod.
Pinasalamatan ng alkalde ang mga drayber at sinabi niyang ipinagmamalaki niya ang kanilang malasakit at pagtutulungan sa gitna ng krisis. (AR BERNARDO)
