PASAY CITY – All systems go na para sa 9th Samahang Plaridel Golf Tournament 2025 na gaganapin sa Villamor Golf Club sa Nobyembre 26, 2025.
Ang taunang torneo ay proyekto ng Association of Philippine Journalists–Samahang Plaridel Foundation, Inc., sa pangunguna ng pangulo nitong si Evelyn Quiroz.
Layunin ng aktibidad na makalikom ng pondo para sa mga programa ng samahan at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng media, pribadong sektor, at pamahalaan.
Mahigit 120 golfers mula sa iba’t ibang sektor ang inaasahang lalahok sa masayang palaro na puno ng sorpresa at premyo.
Tampok sa mga pa-premyo ang Jetour Ice Cream EV, GWM Cannon Lux, at isang Aprilia motorbike na tiyak na magpapasigla sa mga kalahok.
“Don’t miss the swing, the prizes, and the fun!” ayon sa Samahang Plaridel.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Nelly Lumbaca sa 0966-781-2422 o mag-email sa apjsamahangplaridel@gmail.com. (MINA PADERNA)
