December 27, 2024

RONALDO OLAY, SUSUNOD NA PNP SPOKESPERSON

Inanunsyo ng Philippine National Police na magkakaroon ng bagong spokesperson isang buwan bago ang inaasahang balasahan sa organisasyon dahil sa pagreretiro ni PNP chief Police General Debold Sinas sa Mayo.


Isa sa mga bibigyan ng posisyon sa araw na iyon ay si Police Brigadier General Ronaldo Olay bilang PNP spokesperson at hepe ng PNP Public Information Office.

Papalitan ni Olay si outgoing PNP spokesperson General Ildebrandi Usana, na nakatakdang magretiro sa Abril 20.


Si Olay ay miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class 1990.

Nagsilbi rin siyang na PNP Deputy Director for Operations at NCRPO Deputy Regional Director for Administration (DRDA).

Nanungkulan din syang director ng PNP Health Service at Deputy Director for Comptrollership.

Si Olay ay may sapat umanong na intelligence at comptrollership training sa PNP; Maritime Law Enforcement sa Malaysia; Supervisory Criminal Investigation Course sa Thailand; at commercial crimes investigation sa Singapore at US Embassy sa Manila.

Sa kabilang dako, si Olay at AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo ay mag-mistah na parehong miyembro ng PMA Class 1990.

Binati naman ni Arevalo ang kaniyang mistah sa pagkakatalaga nito bilang bagong tagapagsalita ng Philippine National Police.

“Yes, he confirmed his designation to me when I asked him. I personally know him. Very diligent and professional yang Mistah ko na yan at magaling ! An asset to the PNP.
He was a cadet Captain when we graduated from PMA in 1990. I wish him all the best in this both demanding and challenging job in public affairs,” mensahe pa ni Arevalo