May 20, 2024

ROBERT BOLICK NG NORTHPORT BATANG PIER, IKINASAL NA SA SOCIAL MEDIA INFLUENCER

Nakatali na si Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier at dating roster ng San Beda Red Lions. Katunayan, ibinahagi nito ang ilang photos (na kuha sa kanyang kasal) sa social media. Ikinasal si Bolick kay social media influencer at flight attendant Cassandra Yu.

Makikita ang mga larawan sa kanyang Instragram account. Idinaos ang pag-iisang dibdib nila via civil wedding sa Cebu. Naging sponsored ng newly wed si former PBA star at ngayo’y councilor ng Cebu na si Dondon Hontiveros.

When the time is right, when the intention is clear, when the heart is ready. God will surely let you experience being loved by the person He prepared for you,” batay sa post ng dalawa sa IG.

Nagsimula ang love affair ng dalawa noong October 21.Na sa nasabing buwan din nila inilantad ang kanilang relasyon. Noong January 2022, tuluyan nang naging engaged ang dalawa.