May 1, 2024

BOSTON CELTICS, PINALAMIG ANG MIAMI HEAT SA GAME 4

Pinalamig ng Boston Celtics ang Miami Heat sa Game 4 ng Eastern Conference Finals, 102-82. Kaya naman, table na sa 2-2 series ang dalawang teams.

Bumira si Jayson Tatum ng 31 points, 8 boards at 5 asssists sa panalo ng Boston. Nagdagdag naman si Payton Pritchard ng 14 points. Habang si Derrick White ay nag-ambag ng 13 points, 8 boards, 6 asssists at 3 steals.

Si White din ang karelyebo ng may injury na si Marcus Smart.Bumanat naman ng 12 points at 9 boards si Robert Williams III. Lumagare naman 12 points at 7 boards si Jalen Brown.

May 5 points, 13 rebounds at 4 blocks naman na produksyon si Al Holford. Samantala, 23 points naman ang kinamada ni Victor Oladipo sa Heat. Katorse puntos naman ang inambag ni Duncan Robinson. Twelve points naman ang kinana ni Caleb Martin.

Malamya naman ang ambag na 6 points ni Jimmy Butlet. Gayundin ang 9 points ni Bam Adebayo. Muling magtutuos ang dalawa sa Game 5 sa home court ng Heat. Idaraos ito sa Huwebes ( Miyerkules ng gabi sa US time).