May 18, 2024

UAAP, IKAKASA ANG 4 PANG SPORTS EVENTS BAGO MATAPOS ANG MAYO

Ikakasa pa ng UAAP ang apat pang sports events sa huling linggo ng Mayo. Gayundin sa first week ng buwan ng Hunyo.Ito’y bilang bahagi pa rin ng Season 84. Inanunsiyo ng liga ang schedule ng ilan pang events sa presscon ng katatapos lang na Cheerdance Competition.

Ang UAAP men’s beach volleyball ay papalo sa May 27-29 at sa June 3-5. Idaraos ito sa SM Sands By the Bay sa Pasay City.

Rerekta naman ang 3X3 tourney sa Calatagan, Batangas sa June 2 at 3. Pipihit naman ang chess event sa June 1 hanggang 1 sa FEU campus.

 “We still have a lot of events. We want to give importance to each and every sporting event,” ani UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag.

Target ding ikasa ng liga ang ika-85 season nito sa buwan ng Setyembre.