Muling nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Rigel R. Gomez, ang Presidente ng BauerTek Farmaceutical Technologies Corporation, matapos itong tanghalin bilang winner ng 2025 Asia’s Most Admirable Young Leaders sa prestihiyosong ACES Awards.
Ang parangal ay pagkilala sa kaniyang bisyonaryong pamumuno, dedikasyon sa inobasyon, at malaking
Sa ilalim ng pamumuno ni Gomez, ang BauerTek na matatagpuan sa Bulacan ay naging isang world-class research, development, at manufacturing facility na kinikilala na ngayon sa buong mundo.
Bukod sa pagiging lider ng kompanya, si Gomez ay isa rin sa mga imbentor ng PiCur, ang itinuturing na “world’s most powerful anti-cancer supplement.” Ang naturang imbensyon ay nagwagi rin ng Gold Medal sa ENNOVATE International Innovation and Invention Summit.
Ang tagumpay ng BauerTek ay kinikilala rin ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at ng Tanggapan ng Pangulo bilang simbolo ng galing at inobasyong Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Dahil sa parangal na ito, nakahanay na si Gomez sa iba pang mga tanyag na Pilipino na nagwagi na sa ACES Awards tulad nina SEC Commissioner Kelvin Lee at Fredley Group CEO Avin Ong. (Mina Paderna)
