Pinagbigyan ng Senate Impeachment Court ngayong Lunes, Hulyo 20, 2026, ang petisyon ng prosecution team na maglabas ng subpoena para sa bank at tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang misis/asawa na si Mans Carpio.
Inanunsyo ni Presiding Officer at Senate President Chiz Escudero ang desisyon matapos ang mahabang argumento, kung saan binigyang-diin nito na ang mga hinihinging dokumento ay may direktang kaugnayan at matibay na batayan kaugnay ng mga ebidensya sa diumano’y hindi maipaliwanag na yaman o unexplained wealth ng Bise Presidente.
BASAHIN: PBBM PINALAGAN ANG AI VIDEO NG TSINA NA GINAWANG UNGGOY ANG PILIPINO
Gayunpaman, pinaliwanag ng impeachment court na hindi lahat ng hirit ng House prosecutors ay pinagbigyan.
Ibinasura ni Escudero ang kahilingang buksan ang dollar accounts ng mag-asawa dahil sa mahigpit na probisyon ng Foreign Currency Deposit Act, gayundin ang records ng ilang kompanya tulad ng JTC Group na walang deretsahang pangalan ng mag-asawa sa kanilang General Information Sheet.
|
Magugunitang ibinunyag sa mga nakaraang pagdinig sa Kamara na umabot sa ₱6.77 bilyon ang pumasok na kaduda-dudang pondo sa mga bank accounts ng mag-asawa mula 2006 hanggang 2025, na malaking malayo sa ipinasa nitong SALN.
Binuweltahan naman ng defense team ni Duterte sa pamumuno ni Atty. Michael Poa ang desisyon at sinabing isa lamang itong “fishing expedition” at paglabag sa due process.
Subalit pinalagan ito ni House Prosecutor Chel Diokno at sinuportahan ng mga legal experts sa pagsasabing may kapangyarihan ang impeachment court na sumilip sa mga dokumento para sa pampublikong pananagutan.
Ayon kay dating congressman Oscar Moreno, ang pagpapatibay sa subpoena ay magbibigay ng napakatibay na pundasyon sa panig ng prosecution upang patunayan ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa Bise Presidente.
