Opisyal nang inihayag ng Department of National Defense (DND) ngayong Martes, Hulyo 21, 2026, ang pagkakatalaga kay Lieutenant General Antonio Nafarrete bilang pinakabagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pinalitan ni Nafarrete si General Romeo Brawner Jr. na nagretiro na sa serbisyo ngayong araw matapos ang buong tatlong taong pamumuno bilang kauna-unahang military chief na nakatapos ng fixed term sa ilalim ng Republic Act 11939.
BASAHIN: Record sa bangko, tax ni VP Sara at asawa, ipina-subpoena ng Senate Impeachment Court
Kasabay ng pag-angat ni Nafarrete, itinalaga rin si Lt. Gen. Donald Gumiran, na dating pinuno ng Western Mindanao Command, upang siyang humalili bilang bagong commander ng Philippine Army.
Sa ilalim ng umiiral na batas sa AFP modernization at leadership, hawak ni Nafarrete ang tatlong taong fixed term na magtatapos hanggang Hulyo 2029, anuman ang kaniyang mandatory retirement age.
Kabilang sa mga pangunahing haharapin ng bagong AFP Chief ang patuloy na pagpapalakas at paglipat ng pokus ng pambansang depensa mula sa internal security patungo sa external at maritime defense, partikular na sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.
Nakatakdang pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pormal na turnover at Change-of-Command ceremony ngayong hapon sa Camp Aguinaldo.
