May 18, 2024

RE-DEVELOP MANILA ZOO, BUBUKSAN SA ‘RIZAL DAY’

Muling bubuksan ang re-developed na Manila Zoo sa darating na Disyembre 30, 2021, Rizal Day. Ayon kay Manila Mayor “Isko” Moreno Domagoso, all set na ang “soft opening” nito, kasunod ng pagbisita nila ni Vice Mayor Honey Lacuna sa halos five-hectare facility kamakailan

sa alkalde, 99.9% nang tapos ang konstruksyon sa zoo na noon ay mabaho pero ngayon ay maipagmamalaki na sa mga banyaga.

“Ang ganda-ganda! Nakaka-proud talaga! Dati ang baho-baho dito. This is one for the books. Para kang nasa Japan. Para kang nasa Jurassic Park. Sisiguruhin ko sa inyo, pati foreigner pupunta dito,” ani ng presidential aspirant.

Aniya sisimulan na ang pagdala sa ilang hayop sa Manila Zoo sa susunod na linggo.