Humingi ng saklolo sa Manila Police District ang Presidential Task Force On Media Security, hinggil sa mga natanggap na pagbabanta sa buhay ng isang beteranong radio journalist na si David Oro.
Ayon sa PTFoMS, humingi ng tulong sa kanila si Oro matapos itong makatanggap ng mga bala mula sa hindi kilalang source sa magkahiwalay na pagkakataon sa nakalipas na dalawang linggo.
Kaugnay nito si PTFOMS Exe. Director Paul Gutierrez ay humiling din kay MPD Director PBGen. Andre Dizon na magsagawa bg imbestigasyon at threat assessment hinggil dito.
Kasabay ng hiling, humirit si Gutierrez ng security para sa beteranong Radio Announcer. Sa kabilang nito sinabi ni Guttierez na masyado pang maaga para magkaroon ng espekulasyon kaugnay ng motibo sa pagbabanta sa buhay ni Oro.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund