May 17, 2024

RACHEL ANNE DAQUIZ AT JOVELYN GONZAGA, ‘BESTFRIENDS FOREVER’ NAKAKABILIB!

Tunay na off-the-court, mag-BFF talaga sina Rachel Anne Daquiz at Jovelyn Gonzaga. Marami nga ang nakapapansin sa post nila sa social media. Ayon sa volleyball universe, over na sa sweetness overload ang dalawa.

Panay ang post nila sa Instagram at Twitter account nila na magkasama. Baka raw nag-uusap sila sa plano nila sa kanilang future sa paglalaro ng volleyball.


Pero, bilib sila sa pagkakaibigan ng dalawang volleybelles. Naging magkakampi ang dalawa sa UAAP sa EU Lady Tamaraws. Maging sa amateur league ay gayun din.


Kagaya sa Shakey’s V-League sa team na RC Cola Army at Philippine Superliga (PSL). Naging magkakampi sila sa Cignal HD Spikers. Patunay ito na matatag ang kanilang friendship.


Pero, may ilan ding malilikot ang isip. Parang nang-iintriga. Parang nag-level-up na raw ang closeness ng dalawa. Wish ng fans nila na sana’y maging magkakamping muli sila sa PVL in the future.