May 19, 2024

YEN SANTOS, NEGA ANG DATING SA NETIZENS, EVIDENCE NA SIYA RAW THIRD PARTY, NAG-VIRAL

Nega ang dating ng aktres na si Yen Santos sa madlang pipol ngayon. Papaano ba naman kasi, siya ang itinuturong third-party sa breakup nina Paolo Contis at LJ Reyes.


Nakakuha pa ng ebidensiya ang mga netizens para madiin si Yen. Na siya raw ang kasama ni Paolo sa video. Isang patunay ay ang pagkakapareho ng kanilang mga tsinelas na suot. Na tumulad naman sa couple na nakunan ng video sa Baguio City.


Ibig sabihin, may unawaan raw ang dalawa. Makikita sa video na suot ni Paolo ang slippers habang nakaupo sa scooter. Si Yen naman ay suot ito habang nagsi-selfie.


Bukod dito, nagmatch din ang suot nilang sandals at tattoo. May tattoo si Paolo na nasa kanang likod ng braso. Samantalang si Yen ay sa kaliwang kamay. Gayuman, nananatiling tahimik si Yen sa isyu.