May 19, 2024

SHAQUILLE O’ NEAL AT MANU GINOBILI, NAKAKITA NG UFO

Sinabi ng NBA legend na si Shaquille O’ Neal na nakita siya ng UFOs. Ito ang isa kanyang rebelasyon sa panayam sa Jimmy Kimmel Show. Nakita niya raw ito sa ere sa bandang California.


Nangyari ito noong naglalaro pa siya sa NBA, 20 taon na ang nakalilipas. Nang tanungin siya ng host kung naniniwala siya sa UFOs sinabi niyang oo pero pabiro.


Na ang dahilan aniya ay si NBA legend Charles Barkley na mukha raw extraterrestrial.


“I totally believe in UFOs. Treason for this belief was that his Inside the NBA co-star Charles Barkley looked like an extraterrestrial,” aniya.


Inihayag naman noon ni Manu Ginobili na may karanasan siya UFO sightings. Ito’y noong mga panahon na naglalaro pa siya sa San Antonio Spurs.


Nakita umano niya ang misteryosong behikulo sa ere sa Santa Barbara. Pero, hindi siya sigurado kung ano yun.


Inakala niya na lang na iyon ay X-37b secret plane ng militar. Pero, sinabi niyang parang hindi naman. Ibinulalas niya sa Facebook ang tungkol sa isyu ng UFO.
Nagkaroon dito ng uspaan at marami ang sumali sa discussion.

(Sports Trivia)