ANG mga homegrown swimmers mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang sentro ng atensyon sa kanilang pakikipagtagisan ng husay National tryouts na inorganisa ng World Aquatics-backed Stabilization Committee simula ngayong araw hanggang sa Linggo sa New Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.
Sa unang pagkakataon, isasagawa ang national selection na inklusibo at walang bayad sa loob ng apat na araw bilang qualifying meet para sa koponan na ilalaban sa 32nd Southeast Asian Games sa Mayo-6-17 sa Cambodia. Ang Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang host sa torneo katuwang ang FINIS Philippines ni coach Vince Garcia.
Dalawa sa pinakamalaking samahan ng swimming club sa bansa — Congress of Philippine Aquatics, Inc. (COPA) na pinamumunuan ni Olympian Eric Buhain at Swimming League Philippines (SLP) sa pamumuno ni Fred Ancheta – ang nagpadala ng mga delegado para sa sumubok laban sa pinakamahusay sa bansa.
Ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ay nagpapadala ng pinakamalaking delegado ng 13 swimmers – labing-isang (11) lalaki at dalawang (2) babae — sa pangunguna nina World junior championship semifinalist at national junior record holder Michaela Jasmine Mojdeh at Southeast Asian Games Age Group Championship gold medalist na si Heather White.
Kapwa teen-ager, ang 16-anyos na si Mojdeh ng Brent International School-Manila at ang 15-anyos na Vietnam-based na si White ang kasalukuyang may pinakamalaking pangalan sa swimming at malaki ang pag-asa na pareho silang pumasa sa qualifying SEAG standard na ginagamit sa pagpili.
Kasama rin sa line-up ng Behrouz sina SEAG age-group campaigner at UAAP junior start Hugh Parto, Jules Mirandilla, John Neil Paderes, Yohan Cabana, Ivan Radovan, Lance Lotino, Geoffrey Liberato, Ivan Radovan, magkapatid na Marcus at Julian De Kam, at Ang nakatatandang kapatid ni Heather na si Rueben White.
Sa kabilang banda, sinusuportahan ng COPA ang partisipasyon ng 100 miyembro mula sa iba’t ibang affiliated club sa buong bansa, karamihan ay nagmumula sa Visayas at Mindanao at pawang may kakulangan sa pondo.
“Daghang at Maraming Salamat sa COPA headed by Congressman Eric Buhain for this opportunity. Mahigit isang daang swimmers under COPA ang lalahok sa SEA Games Qualifying coming from different regions in the country… COPA paid for the airfare, bus, accommodation, food at may allowances pa ang mga bata at coaches… even parents na sumama free din. ang bus transpo nila going to Clark.. This is the kind of organization we wanted sa swimming may malasakit sa swimmers,” posted coach Cris Bancal in his Facebook page which garnered hundred of likes and share which include PSI’s vocal critic former sports chairman Dr. Aparicio Mequi.
Ang World Aquatics sa isang serye ng memorandum ay nagtalaga ng kaayusan sa Philippine swimming community matapos na bawiin ang pagkilala nito sa PSI at sa kanilang Board of Directors dahil sa iba’t ibang reklamo ng maling pamamahala at hindi pagtupad sa mga batas at konstitusyon ng WA. Kasabay nito, bunuo ng WA ang Stabilization Committee na binubuo nina Atty. Wharton Chan. Bones Floro at BCDA Vice president Arrey Perez.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund