April 29, 2024

PVL 2022 INVITATIONAL TICKETS, FOR SALE NA

Photo Courtesy: PVL

Available na ang 2022 PVL Invitational Conference tickets simula bukas, July 4. Ayon sa PVL, maaari nang bumili ang fans ng tickets via Ticket Max na may ringside seats. May halaga itong P530, lower box (P320) at upper box (P110).

Gayunman, tanging 2 tickets lang ang pinapayagan kada transaction.Kailangan ding magdala ng spectators ng ID at proof of vaccination. Sa gayun ay papapasukin sila sa venue. Hindi naman pinapayagan ang mga batang mababa sa 5 taong-gulang. Ito ay bilang pagtalima sa strict health at safety protocols.

Ang mga laro sa elimination round ay idaraos sa FilOil Flying V Centre sa San Juan. Maliban sa laro ng Chery Tiggo at Cigdal HD Spikers sa July 23. Gayundin ang sister teams na Creamline at Choco Mucho. Isasagawa ang mga laro sa MOA Arena sa Pasay City.

Unang sasalang sa laro ang HD Spikers at Army-Black Mamba sa ganap na alas 2:00 ng hapon. Susundan ito ng Flying Titans at Chery Tiggo sa Invitational Opener sa July 9.