May 5, 2024

PTA Speedkicking tournament, sisipa ngayong Oktubre

Ikinasa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ng online speedkicking competition. Ito ay idaraos ngayong buwan para sa mga local jins na nagnanais na makabalik sa aksyon.

Sinabi ni 1992 Barcelona Olympics taekwondo bronze medalist (kanan, ibaba) Stephen Fernandez ang speed kicking competition na sisipa sa buwan na ito. Kasama sa picture sina 2017 Southeast Asian Games swimming medalist Nikki Pamintuan at E-sports and games organizer Joebert Yu sa TOPS Usapang Sports kamakalawa. Ni: Gerard Villota

Ayon kay PTA grassroots director Stephen Fernandez, ikinasa ang torneo pagkatapos ng ilang idinaos na poomsae tournaments.Kahit noong quarantine, nagsagawa ng online tilt ang PTA noong Mayo at Hulyo.

Kabilang ng Online Daeu Open European Poomsae Championships noong nakaraang Mayo. Kung saan nagwagi ang bansa ng tatlong gold medals.

 “Nag-comment yung ibang mga (kyorugi) players namin. Paano naman daw sila, gusto nila ng competition,” saad ni Fernandez.

Ayon sa PTA, ang pagkasa ng speedkicking championship para sa local athletes ay makatutulong sa kanila. Ito’y sa aspektong pisikal at mental sa panahon ng pandemic.