Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Cainta Municipal Police Station ang isang babaeng itinuturing na Provincial Level Most Wanted Person sa ilalim ng LOI Manhunt Charlie nitong Lunes, Pebrero 16, 2026.
Kinilala ang suspek sa alyas na Elmira, na nadakip dakong 1:10 PM sa Mabolo St., Balanti, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.
Isinagawa ng Tracker Team ng lokal na pulisya ang operasyon matapos ilabas ng Regional Trial Court (Branch 161) ng Pasig City ang warrant of arrest noong Pebrero 13, 2026. Nahaharap ang suspek sa napakabigat na kasong Qualified Theft na may kabuuang apatnapu’t anim (46) na counts (Criminal Case No: R-PSG-26-00363-CR hanggang R-PSG-00408-CR).
Ayon kay Presiding Judge Hon. Janice Andrade Udarbe, inirekomenda ang piyansa na nagkakahalaga ng P1,276,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Sa kasalukuyan, nakadetine ang suspek sa Cainta Custodial Facility sa Brgy. Sto. Domingo habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa court of origin para sa kaukulang commitment order.
