May 18, 2024

Post ni volleyball coach Fabio Menta tungkol sa volleyball joke, inalmahan ng mga fans

Kumalat ang isang message at post ng isang anonymous volleyball  fan kaugnay sa post ng isang coach. Ito ay ang post ni Fabio Menta.

Si Menta ay isa sa kinokunsiderang coach ng isa sa specific team sa PSL. Ayon sa post, concern si Menta sa Philippine volleyball. Sa post ni Menta sa page nito, nasaktan ang ilang volleyball fans. Para raw kasing dini-degrade nito ang Philippine team ng volleyball.

Mababasa rin sa post na baka 2021 Vietnam SEA Games, baka pang 4rth finish lang ang bansa. Kahit wala raw ang Indonesia, hindi raw kayang makatuntong sa podium inish ang Pilipinas.

Well di pa nga natin alam ang kakayanan na posibleng ipakita ng ating team, sarcastic lang pagkakasabi niya sa post.”

Kita naman din sa emoji, di porket coach siya eh pwde na niya gawin or sabihin about Philippine volleyball,” post ng fan sa Philippine Volleyball Updates page sa Facebook.

Makikita rin ang isang larawan ang medal finish sa SEA Games. Kung saan, una ang Thailand sa gold, Vietnam sa silver at Laos sa bronze. Ang 4rth finish ay Philippines, kung saan ang medalya ay gawa sa karton.

Marami ang nagreact na fans. May positibo, may negatibo.

“Coach siya’t volleyball analyst. Pero siya mismo nagde-degrade sa isang team at sa ating national team pa na wala namang ginagawa sa kanya or issues about sa kanya. Nakakatulong ba yun?,”saad ng fan.

Para naman sa iba, sa halip na maging sensetibo sa post, gawin itong motivation upang husayan pa ng ating volleybelles ang paglalaro ng volleyball.

Huwag daw basta manghusga kung sino ang pinatatamaan ni coach Menta.Tanggapin ang totoo at mag move-on. Galingan na lang. Spread love not hate.