Irerekomenda ni Senate Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tuluyan nang i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas.
Sa personal na pananaw ni Gatchalian, hindi naman gaanong kawalan ang POGO sa ating bansa.
Sa pagdinig ng Komite, kabilang sa mga napag-alaman na maraming POGO ang nag-uunderdeclare ng kanilang kita para maliit ang mairemit nila sa ating gobyerno.
Sa datos, nasa P1.9 billion ang nawawala na revenue ng pamahalaan mula sa underdeclaration ng mga POGO.
Kung susumahin rin aniya, ang kabuuang kita mula sa POGO ay katumbas lang ito ng 0.4 percent ng GDP ng bansa, na kayang-kaya aniyang palitan ng ibang industriya, gaya ng BPO (business process outsourcing).
Pagdating naman sa mga krimen, isang porsyento lang ng mga POGO-related crimes ang may conviction o paghatol habang ang 99 percent ay nakakabalik lang sa China.
Habang nasa 23,000 na mga Pinoy worker ang maaapektuhan ng kung sakaling alisin na ang POGO – bagay na kaya rin naman aniyang iabsorb ng ibang industriya.
Ang mga datos na ito ay kabilang sa mga gagamitin ni Gatchalian para mailapit kay Pangulong Marcos ang kanyang rekomendasyon sa susunod na magiging LEDAC (legislative executive development advisory council) meeting.
Sa ngayon, isang pagdinig na lang ang planong isagawa ni Gatchalian tungkol sa isyu ng POGO at matapos nito ay magpupulong sila ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa kung maaaring iisa na lang ang committee report ang kanilang ilalabas.
Matatandaang una nang nagsagawa ng pagdinig si Dela Rosa tungkol naman sa mga POGO-related crimes.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA