AABOT sa 30,000 katao ang inaasahang magtutungo at sasaksi sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos ngayong Huwebes, Hunyo 30, 202, ayon sa Philippine National Police.
Ayon kay PNP spokesman Col. Jean Fajardo, binuksan ang Intramuros Golf Course na siyang pwedeng puntahan ng mga sibilyan na nais manood ng panunumpa ng uupong pangulo.
Kaya iokupa ang lugar ng 25,000 hanggang 30,000 katao.
“Inaasahan natin, expected natin na ang papasok doon sa Intramuros Golf Course is around 25,000 to 30,000,” ani Fajardo sa panayam ng ABS-CBN.
Gayunman, magiging mahigpit ang pagpapasok sa mga nais manood. Dahil dito, ipagbabawal ang backpack, non-transparent water container, pointed and sharp objects, alcoholic drinks, sigarilyo, chemicals, fireworks and pyrotechnics, lighters, matches and other combustible items, at maging drones.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA