May 1, 2024

PHOENIX SUNS, TINUPOK ANG LA LAKERS SA GAME 5, 115-85

Tinupok ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers sa Game 5 ng West Series Round 1, 115-85. Kaya naman, lamang na sa series ang Suns, 3-2.

Bumida si Devin Booker sa Phoenix sa pagbuslo ng 30 points, 7 boards at 5 assists. Sa umpisa pa lang ng laro ay maganda na ang ipinakita ng Suns.

Pinilit makahabol ng Lakers mula sa double-digit deficit. Pero, pagsapit ng second quarter, doon na nagsimula ang bangungot sa Lakers.

Tinambakan sila ng 30 points ng Suns, 66-36 sa end of first half.Nagpatuloy ang magandang opensa ng Suns. Hanggang sa matuyot ang balon ng opensa ng Lakers.

Samantala, gumawa naman ng 24 points, 7 assists at 5 rebounds si LeBron James. Idaraos ang Game 6 sa balwarte ng Lakers sa Staples Center.