May 5, 2024

DENVER NUGGETS, DINISKARIL ANG PORTLAND TRAILBLAZERS, 147-140 SA INTENSE GAME 5

Diniskaril ng Denver Nuggets ang Portland TrailBlazers sa intense Game 5 ng West Series Round 1, 147-140.

Nagpasiklab si Nikolai Jokic at Damian Lillard para sa kanilang mga teams. Nagtala si Jokic ng 36 points, 11 boards at 9 assists.

Nag-ambag naman si Robert Covington ng 19 points, 11 boards at 2 steals. SI CJ McCollum naman ay bumira ng 18 points, 3 boards at 5 assists.

Bumanat naman si Michael Porter Jr ng 26 points, 12 boards at 3 assists.

Nabalewala naman ang ginawa ni Damian Lillard sa Portland na 55 points,10 assists at 3 blocks. Dahil sa panalo, lamang na sa series ang Nuggets, 3-2.