May 5, 2024

PBA TRADE RUMORS, JERON TENG, KAPALIT NI SCOTTIE, LA O PRINGLES, FALSE ALARM

May usap-usapan ngayon na may magaganap na isang trade sa pagitan ng dalawang teams sa PBA. Kung saan sangkot dito ang Alaska Aces at Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.


Ayon sa source, ikakasa ang trade na kinasasangkutan ni Jeron Teng ng Alaska. Kung saan, ang maaaring maging kapalit nito ay sina Scottie Thompson. Gayundin si Stanley Pringle at LA Tenorio.


Pero, iginiit ng source na plano pa lang ang lahat. Hindi pa talagang naikakasa.


Well, plano pa lang. Maaaring mag-materialize o hindi. Kasi, ang tanong dyan, kakagat ba ang Ginebra? Sino ang ibibigay nila kapalit ni Teng?” ayon sa source.Ngunit, pinabulaanan naman ito ng isa pang source mula sa kampo ng Ginebra.


Bakit gagawin ng Ginebra yun? Saan nanggaling ang gayung rumors? Sabi-sabi lang yun. Maayos ang line-up ng Ginebra. Bakit nila bubuwagin?. False alarm lang yun,” aniya.