May 5, 2024

ALEX EALA, PAPALO SA 31ST SEA GAMES SA VIETNAM

May nais na maitalang milestone si teen tennis sensation Alex Eala sa susunod na taon. Isa narito ang manalo sa Southeast Asian Games ng gold medal.


Katunayan, kasama na siya sa Philippine team upang katawanin ang bansa sa 31st SEA games sa Vietnam. Pagkakataon na ni Eala na ibigay sa Pilipinas ang gold medal. Huling nagwagi ng ginto ang bansa sa nasabing sports noon pang 1999.


Alex is fully committed and excited for next year as the plan is for her to play anywhere from 22 to 27 tournaments. This will include the SEA Games in May,” ani ng kanyang ama na si Mike.


Dapat sanay nakalaro na si Eala para sa bansa noong 2019. Ngunit, nagkaroon ng conflict sa kanyang training at competition schedules. kaya, di siya nakasalang sa tryouts na isinet ng Philippine Tennis Association (PTA).