Pinarangalan ngayong Abril 13 ng NAPOLCOM si Patrolman Rodley L. Averilla bilang pagkilala sa kanyang ipinakitang katapangan at maagap na pagresponde sa isang insidente kahit siya ay off-duty.
Sa pangunguna ni Commissioner Ralph Calinisan, kasama si PCOL Marlon R. Santos, iginawad kay Averilla ang Certificate of Commendation kaugnay ng kanyang aksyon noong Abril 8, 2026 sa Sampaloc, Maynila.
Habang dinadala niya sa presinto ang isang menor de edad na hinihinalang sangkot sa pagnanakaw siya ay inatake at nasugatan.
Sa kabila nito, nanatili siyang matatag at ipinagpatuloy ang kanyang tungkulin patunay ng kanyang dedikasyon sa serbisyo.
Ayon kay Commissioner Calinisan, ang tunay na paglilingkod sa bayan ay hindi nasusukat sa oras ng duty kundi sa kahandaang kumilos anumang oras para sa kapakanan ng mamamayan.
Ang ipinakitang tapang at integridad ni Patrolman Averilla ay nagsisilbing huwaran ng isang tunay na alagad ng batas. (AR BERNARDO)
