April 29, 2024

Pati boyfriend nadamay… BIANCA UMALI, NAGULAT NG MAG VIRAL ANG PICTURE SA SOCIAL MEDIA

VIRAL talaga iyong picture ni Bianca Umali, matapos siyang maligo at naglagay ng lipstick tsaka nag-selfie. Hayun pinagusapan talaga at nilait ng madlang pipol.

“Gulat na gulat nga siyang kwento niya na hindi rin niya akalain na mag-viral iyong post niya sa kanyang social media. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang katakot-takot na bash ang inabot niya na ang purpose lamang niya ay ipromote iyong lipstick na ine-endorse niya. Pero iba ang naging dating sa mga Netizen, at binash na nga siya na dinamay pa nila si Ruru Madrid.

“Hindi naman daw siya naapektuhan sa mga banat sa kanya, kasi wala naman daw iyong katotohanan. Ang purpose lang talaga niya ay ipromote lang iyong kanyang lipstick na ine-endorse. Pati nga si Ruru Madrid, dinamay nila at grabe talaga mga panlalait nila kina Bianca Umali at Ruru Madrid, wagas,” kwento pa ng aking source.