April 28, 2024

SARAH GERONIMO, NANINIWALA NA HINDI LAHAT NANG LABAN AY KAILANGANG IDAAN SA PAG-IINGAY

SAKSI kami na kapag may bumabanat kay Ms. Sarah Geronimo, tahimik lang ang actress-singer. Ang nakikipaglaban ay ang kanyang mga fans na ipaglalaban talaga siya nang patayan, kahit saan mang anggulo itong tignan.

“Nung ngang may pumuna kay Sarah Geronimo, bakit hindi siya sumama sa pagiingay ng kapwa niya artista sa pagsasara ng ABS-CBN? Dumipensa talaga ang kanyang mga fans, sila talaga ang nakipaglaban sa kanilang idolo. Kaya ang ending natumeme iyong taong nambu-bully sa Popstar Royalty.

“Nang magpakasal na si Sarah kay Matteo Guidicelli, hindi talaga nila iniwan si Sarah. Kaya iyong mga basher ni Sarah, wala silang magawa. Kahit sabihin pang wild at palaban sila, basta pagdating kay Sarah sila ang sumasalag sa mga taong naninira sa kanilang idolo. Sina Sarah at Matteo naman ang paniniwala nila na, hindi lahat nang laban ay kailangang idaan sa pagiingay,” katwiran ng isa sa supporters ni Sarah Geronimo.