May 15, 2024

Pinadapa lahat ng mga artista… ANNE CURTIS, FOLLOWERS SA INSTAGRAM UMABOT NA SA 15MILYON

NUMBER 1 si Anne Curtis, sa may pinakamaraming followers sa Instagram. Umabot na ito sa 15 million ngayong taong 2020. Sumunod si Kathryn Bernardo na may followers na 13.6 million, Liza Soberano – 12.8 million.

“Laki nang pasasalamat ni Anne Curtis, dahil hindi raw niya akalain na umabot na sa 15 million iyong bonding nila ng kanyang daughter na si Dahlia Amelie. Marami talaga ang nakagusto sa bonding nilang mag-ina. Nalulungkot lang si Anne, dahil up to now ay apektado ang lahat sa coronavirus.

Ayon pa kay Anne, “Sending out 15 million thank you’s to my Instagram fam. Thank you for all the love as I share bits and pieces of my life with you – like how my darling Dahlia can now stand tall on her little legs with a bit of help from her mumma.” At dinugtog pa niya ng, “Big kisses! Sending out love and light to all of you!” Pagtatapos pa niya.